Nagsagawa ng operasyon ang kapulisan mula sa presinto sinko bilang pagtalima sa direktiba ni P-Noy na ipatupad ang pagbabawal sa "wang-wang"
Labing limang sirena at blinkers ang nakumpiska sa mga motoristang may mga pinagbabawal na gamit sa kanilang sasakyan. Ang check point na isinagawa sa pagbaba ng Sta Rita bridge ay nagdulot naman ng napakahabang trapiko at umani ng batikos sa kadahilanang pati ang mga ordinaryong mamamayan na nakasakay sa pampublikong sasakyan ay naabala.
"Abay pagkahaha-haba ng trapik na nangyari, mula tulay ng sta rita hanggang tulay ng filtration ay di gumagalaw ang trapik, alas syete na pasado at halos isang oras ng kami dito sa trapik, pano na mga anak namin na naghihintay ng hapunan?" reklamo ng isang inang nag-aalala sa kanyang mga anak.
Isinagawa ang operasyon bandang alas sinko ng hapon kahapon at muli, kanina sa parehong lugar.
Ulat ni Mark Orpiano (nagsilbi ring litratista)
http://www.youtube.com/watch?v=6OFQaF0YWMs
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment